Tuesday 10 January 2017

011117

Humihiling ng isang baluting hahagkan sa maaaring masaktan
Upang magsilbing panangga sa maaaring makalapit at manakit
Ang pag-asa'y mula sa kaibuturan at may paunti-unting kinang

Humahanap ng lunas sa mga papayapa na, na sana ay humupa na
Ang paglipas ng pag-ibig at ng tinuran na kapayapaan
Labis ang pait at pighati nag-uugat sa hindi maunawaan

Para saan pa't nagaganap ang hindi kaaya-aya, para saan pa?
Kung maaari na lamang na lumisan at magbalat kayo
Nang sa ganoon ay maglaho na ang lahat nang tuluyan

No comments:

Post a Comment